Nagpapicture si koya! haha |
awtz. Panong hindi masasabi? then it goes like we're having some conflict. :( Then nashare ko sa kanya yung about sa nishare sa amin ni Sir Mosico. Ayun. Hanggang umabot na kami sa usapang, "Ano ba kami?"
Ito yung libre niya. LOL |
"Ikaw ba?" tanong ko. sabi niya, "Kaibigan. Kaibigan ang turing ko sayo. Mabuting kaibigan." Di ko na napigilan umiyak. Ewan ko ba. Bakit nga ba kailangan ko umiyak?
then nagtext ulit siya, "sasabihin ko na yung wish ko....Sana maging matalik na magkaibigan tayo, kahit anong mangyari..walang magbabago"
Ito yung bubuyog sa loob ng ministop. Weird! |
nagtext ulit siya, "Wag ka na umiyak, naiiyak nadin ako.", "Bakit ka naman naiiyak?" , "Kasi kasalanan ko lahat."
, "Naging sobrang close lang tayo sa isa't isa kaya naging ganito. May kasalanan din ako." , "Pareho lang tayo nasasaktan.", "Mas okay nadin toh. At least tapos na ang false hopes naten. :(" Tapos ayun. Patuloy padin siya sa pagiging malungkot. Tapos nagtext nagtext siya, "Gusto kita makausap Kaso hindi ako makapag unli call." sabi ko naman, "Siguro hindi inaallow ni Lord na marinig mo iyak ko." , "Tahan na Zelle, nahihirapan din naman ako." , "Sige, bukas.", "saan?", "Sa capitol"
First picture together! |
Ayun! Kinabukasan, nagkita na nga kami. Pero ito. parang walang nangyari. Mas naging close kami. Napag-usapan namin yung about sa nangyari kagabi. Pero okay na! mas mabuti nga na magkaibigan kaming dalawa. Ang saya! ang tagal namin nag-usap. Ang dami namin naishare sa isa't isa. Siguro nga, mas magandang ganito nalang kami, "matalik na magkaibigan" di ba? Mas masaya kami. Mas nakakapagusap kami. Walang commitment, walang obligations, walang pressure. MASAYA!
Salamat Jerick Ordoveza Cabantog sa lahat lahat! Ang saya ng araw ko. :) Salamat din sa chillz, sa bubuyog sa loob ng ministop at sa unang picture natin together. :D wew! you really are a God-given friend! :)
God Bless!
P.S. Sa makakabasa, keep this secret. Thanks! <3