BUKO. BUhay KO

Tonight, I will be telling you a story. There was this guy I've met 4 years ago. He's tall. Thin, and of course, I was stunned with his angel like face. I actually daydreamed about him since the day I met him. But sadly, I didn't get a chance to talk to him, not even once. I don't why. Whenever I see him walking along the hallway, I am left speechless. I am like a fan who couldn't talk to her idol. I know, he never knew of these things I do for him because he never noticed me then. I actually wanted to talk to him, but I don't know what to say. Then I was shocked when he added me on facebook last Aug of 2010. Why? Then I knew he's my classmates cousin.

After a year of leaving school, he was out of my mind. I came back to school to finish my studies. And of course, there's Intramurals, and after one year, I saw him again. He was playing volleyball. I cheered for him. He is still that guy I saw 4 years ago. Tall, thin and owns the angelic face that never gets old. Who would knew it? I felt that same old feeling. But still, I am left speechless.

I am fascinated with those youtube starts who gained their popularity by singing in front of the camera and upload it on youtube. So I decided to do their stuff. But it's not about gaining popularity.  I recorded a song, edited it, and out of nowhere, uploaded it on facebook. I tagged friends who are close to me just to let them know that I am fond with this stuff. But then, I never knew that I accidentally tagged him. YES! HIM. He posted a comment that make me feel those butterflies on my stomach. He even made a request and urgently, I grant it. AT LAST! I may get a chance to talk to him. Then, he left me a message saying, "Ang galing mo naman kumanta." And those endless talks on facebook continued. Until we get to text each other, calls, every night, every day.  As time passed by, he started to show some care, worry, and concern. He laughs at my jokes, I laugh at his jokes too.  I have given so much time on him. Since then, I asked myself, What is this? 

It became clear to me when he, himself, directly told me that I am just a friend to him. Yes it hurts. It feels like everything we had was scattered into pieces, so as my heart. I'm broken. I cried a lot. I even randomly whip my hair back and forth  while I am alone in my room. I don't know what to do. I don't know what to think. He fills my mind. After that night, we met. We had personal talks. We became so much closer. Knowing that someone is sorry for breaking your heart is such a relief. He's sorry. Maybe, he overused the word SORRY that night. 

There are many situations that tested our friendship. Even an argument. That was when I felt the fear of loosing someone. I really did everything I had to do just to make him stay. My feelings grew more every single day. Even though I knew that we are just friends, I'm still in love with him. Everyday, I tell myself not to expect too much, not to fall too deep, because we are just friends. And every time I tell those words, I get hurt, I cry. But after all these pains, heartaches, and fear. We're still good friends. And both of us are just wondering what God has planned for us? If you could imagine all our experiences together, you might think that this relationship will end up nothing. That maybe, the both of us  might be just STRANGERS AGAIN. But no. A big NO! God didn't allowed it. And I know He has better plans. 

As for now, I am praying for God's answer. And everyday, my devotion points out the thought of WAITING. Maybe God wants me to wait a little longer. To PATIENTLY WAIT. But I have prepared myself to whatever answer that God would give me. If it YES, I'd be so much thankful. If it is NO, I know God has better plans. 

But if God created him for someone else, here are some trivia about him
- If you're texting him at night, don't be mad at him when he don't stay up late. He's the kind of person who can randomly sleep anytime.
- Don't meet him at McDo Sta. Cruz, Ministop may do. You can enjoy walking with him at the Capital after eating. :) 
- Have a bunch of stories stored on your mind. Tell him a story every time. He's a good listener.
- Love music. Especially slow music. He love to share music, sing your favorite song, and listens to you while you sing. 
- If you want to win his stomach, cook ampalaya.
- Don't let him eat too much salty food. He had UTI. okay?
- When he's sad or upset, don't give him advice, JUST LISTEN TO HIM.
- If you're going out with him at such a sudden time, don't mind him wearing  FIONA sleepers. He's cute when he wears it.
- Cheer him up everyday! He gets a little emotional on simple things. 
- Don't cry in front of him. He might get mad at you, you'll cry even more. LOL. Just don't cry, he don't like that. Just be happy. ALWAYS
- If the relationship you have with him hurts you, don't let him go. Knowing someone will leave him makes him sad.
- Love GOD. He loves GOD too. :) Let God be the center of your relationship. 

These are not terms and conditions. Just keep these words in mind. You might be the person that can win his heart so, just so you know, I posted this blogpost to let you know that he is such a great person. I can't think of myself falling in love with any other guys. Even those guys that is better that him. But I know time will come, this feelings may fade if we are not meant to be. 

But now, all I can say is, "I won't give up."
because I believe in the power of PRAYER. <3
GOD BLESS! <3

*Why BUKO? Because I am listening to Jireh Lim's BUKO while typing this. :)
BUKO! BUhay KO! <3

OUR 18 SONGS! :)

or should I say, "songs that reminds me of him." LOL

1. Di lang ikaw - Juris Fernandez
http://www.youtube.com/watch?v=zklixG2_GnQ

Ito yung isang song na nakakapgpaalala sa akin sa kanya. Ito kasi yung song na nirequest niyang i-cover ko noon. At walang kapractice-practice, ni cover ko naman agad yun. And just last friday, napagusapan namin toh. Sabi ko, "Naalala mo yung 'Di lang ikaw?'" sabi niya, "Oo. para sakin ba talaga yun?" ,
"Oo naman."
"Edi hindi lang ako?"
"Oo. Di lang ikaw."
"Ah ganun. Hindi lang pala ako."
"Ano bang ibig sabihin mo?"
"Di lang ako ang kaibigan mo. Ikaw naman."
"HAHAHA. Pero IKAW LAMANG."
"HAHAHA"

Well, actually, this song gave me so much painful moments to remember. Whenever I hear this song, it feels like breaking up with my boyfriend. and painful part was, I DON'T HAVE ONE! LOL kay-on!

2. Without You - AJ RAFAEL
http://www.youtube.com/watch?v=bh7iqK97OAQ

Ito lang naman yung tanging kanta na pinakinggan ko nung birthday niya. At pakiramdam ko kasi siya yung nakanta. HAHA. Kasi naman, I called him 12:00 midnight nung birthday niya and out of nowhere, kinanta niya toh. :) So ayun! <3 kinilig naman si ako. Kahit hanggang ngayon kinikilig padin ako sa kantang toh. And one night, kinanta ko nadin sa kanya toh habang naiyak ako. :( Whenever I hear this song, it brings me back dun sa mga moment na...basta...#KILIGAKOMAGISA

3. Tadhana - Up Dharma Down
http://www.youtube.com/watch?v=qxxl25jnlVg

Ito yung song na ni-post niya one time sa FB. and I played it, raped the replay button and realized. Hindi naman pala ako nakakarelate eh. Napaka un-aware ko lang. Tapos after ng 30 times replay maybe, narealize ko, super relate ako dun sa isang line

"Bakit di pa sabihin ang hindi mo maamin. Ipauubaya nalang ba toh sa hangin? Wag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo. Naririto ako makikinig sayo."

I was actually expecting na may sasabihin siya sakin or something. Or maybe I am expecting too much again. Or baka ako naman ang hindi umaamin? Kaya simula ng marinig ko ang kantang toh, naging honest na ako sa kanya. As in! Naging honest din naman siya sa akin, inamin niya friends lang ang turing niya sa akin. well, that's life. You cannot get all you want. Di ba? Pero there are times na kinakanta niya sakin toh via phone. At literal na yung favorite line ko lang! HAHAHA

4. Can we just stop and talk awhile - Gary V and Kyla
http://www.youtube.com/watch?v=tpOKaXn3hjA

HIS FAVORITE SONG! :) Alam mo ba kung bakit? Dahil dun sa first love niya. Habang ako, nakarelate ako sa song dahil sa kanya. hehe this song tells it all! :) pakinggan mo nalang. <3

"can we just stop and talk awhile get to know each other. Who are we to know? LOVE COULD BE WAITING AT THE END...COULD BE...SHOULD BE.." LOL

5. In love - RJ Jimenez
http://www.youtube.com/watch?v=uwhB4jHkKhw

Ito lang naman yun eh, "Smiling there by my side. Easing all the pain i have inside." Kapag magkasama kasi kami, naka smile lang siya lagi. at ang sarap lang sa pakiramdam na makita siyang ganun. Nawawala ng sakit na nararamdaman. And when I heard this song, sabi ko, "I MUST BE IN LOVE." kasi lahat ng sinabi sa kantang toh, naramdaman ko. Pwera dun sa part na, "You kiss me."  hahaha

6. Kismet - Silent Sanctuary
http://www.youtube.com/watch?v=Ps38yYM3Bas

Noon pa man, favorite ko na ang song na ito. Tapos, lalo na nung kinanta niya sakin toh madalas. :) hehe. ewan ko ba dun. lage nalang toh kinakanta niya. HAHAHA. Kaya naiimagine ko tuloy, siya yung nakanta pag pinapakinggan ko toh, hehe
Sorry maikli. Nakakarelate din kasi ako dito dahil dun sa dati kong mahal. Eh wala na. HAHA

7. Kundiman - Silent Sanctuary
http://www.youtube.com/watch?v=BoPLNl8iHDw

Nabasa na nga pala niya ang blog kont ito! :) Kaya wala na akong secreto sa kanya. HAHAHA. Ayun! Habang binabasa niya kasi ang blog ko, sabi niya ito ang pinapakinggan niya. :) Pero relate much din ako sa kantang toh.

"Kung hindi man tayo hanggang dulo wag mong kalimutan, nandito lang ako laging umaalalay. Hindi ako lalayo. Dahil ang tanging panalangin ko ay IKAW."
Paano ba ako nakarelate? Ganito, kahit gaano kasakit yung pain na naramdaman ko dahil sa kanya, hindi ako nagbago. Hindi ako umiwas. Hindi ako nangiwan. Kasi, pinagpray ko sa LORD toh. At alam kong sinagot ng LORD ang prayer ko. Kaya kahit anong mangyari. Andito lang ako lagi para sa kanya. :) Dahil hanggang ngayon, SIYA PADIN ANG TANGING PANALANGIN KO SA LORD.

8. Stay - Chris Cayzer
http://www.youtube.com/watch?v=qwkwdKvcp7g

TRY THIS. Isulat mo sa paper, "YATZ" All caps huh? then Tapat mo sa mirror.

Nakita mo ba? then yan ang reason  kung bakit favorite ko toh. Actually, since nung December, tawag ko na sa kanya YATZ, pero nadiscover ko lang na stay ang kabaligtaran niya nung feb lang. AWKWARD. HAHAHA. Tapos siya, matagal na pala niyang napansin. HAHA. adeek. Ayun. Pero may  narealize ako. STAY. kasi...STAY being FRIENDS. :)

9. Strangers Again - Migz Haleco
http://www.youtube.com/watch?v=P8FCqm8kV2M

He introduced me this song. Hobby namin madalas ang mag sheran ng new songs na nalalaman namin. Ayun. Nakarelate lang ako sa song na ito nung nagkaroon kami ng argument and natakot akong baka maging "Strangers again" kami kaya ayun. kinanta ko sa kanya toh at sinabing, "Please wag tayong maging strangers."

10. Buko - Jireh Lim
http://www.youtube.com/watch?v=e5HVNhOstEU

Bago ko lang nalaman ang kantang toh. At inintroduced ko sa kanya tong kantang toh kasi natutuwa ako sa tune at sa lyrics. :) Pero hindi naman talaga ako nakakarelate masiyado. Lately lang, ito ang lagi namin kinakanta via phone. <3

" Kung inaakala mong ang pag-ibig ko ay magbabago. Itaga mo sa bato."
Oh well, hindi po kasi mawawala eh. HAHAHA Mahal kasi kita, friend. LOL

11. Forevemore - Side A
http://www.youtube.com/watch?v=ToOYHgqbGgE

"There are time when I just want to look at your face."
-OO. madalas, ito lang ang gusto kong gawin pag kasama ko siya

tapos...
"You were just a dream that I once knew."
-Kasi naman, kahit noon pa, madalas na siya lumalabas sa dream ko. At kahit hanggang ngayon. :) Parang dati kasi, dream ko lang na makausap siya. Ngayon, walang kaeffort-effort, nakakausap ko siya. :D

12. By Chance - JR Aquino
http://www.youtube.com/watch?v=kNIXegxDWQQ

Ito lang naman po kasi yung song na kinanta niya nung birthday ko. At ito lang naman po kasi yung song na ni-request niya nung sinayaw niya ako sa CSS night. :)

wala na akong dapat sabihin pa. yun na yun! HAHAHA

13. How deep is your love - Bee Gees/Kyla
http://www.youtube.com/watch?v=w9I48B2perg - Kyla
http://www.youtube.com/watch?v=BBMriOspUvA - Bee Gees

I once asked him, "Paano kung mainlove ako sayo."
Naging speechless lang siya that time. HAHAHA. At nagpost naman siya sa FB
"HOW DEEP IS YOUR LOVE" At abah! Ako pala ang dahilan ng status na yun. HARHAR. Ayun. Simula nun, nagustuhan ko na ang song na ito. At kapag pinapakinggan ko toh iniisip ko, "How deep is my love kaya?" Maybe, sobrang deep na. ang hirap nang umakyat eh.

14. Bestfriend - Auburn
http://www.youtube.com/watch?v=9yGhHTfMlH8
https://www.facebook.com/photo.php?v=403155659705662 - ito yung nangyayari kapag natawag siya

BESTFRIEND. Itong song na ito. lahat na sinabi nito! Lahat ng gusto kong sabihin sa kanya! HAHAHA. At mismong yang video na yan ang nalabas sa phone kapag natawag sya sa akin. :)

15. 12:51 - krissy and Ericka
http://www.youtube.com/watch?v=CVQeAbNX1OU

This song. He introduced this to me. At ito din yung song na sinabi niya sakin nung first argument namin. At nung pinakinggan ko, nasiyahan naman ako sa melody. Pero nakarelate ako sa isang line,

"Maybe that was the biggest mistake of my life. and maybe I haven't moved on since that night."

16. Runway - Krissy and Ericka
http://www.youtube.com/watch?v=okfS5nmJxnA

Ito naman. Sa tuwing feeling ko naiinlove na naman ako sa kanya, kinakanta ko toh.

"And I! I'm falling in love with you, No! Never have I. I'm never gonna stop falling in love with you."

Pati siya din ang nagintroduce sakin ng rendition nito ng Krissy and Ericka. At dahil sa kanya, naging favorite ko ang Krissy and Ericka <3

17. Maalala Mo Sana - Silent Sanctuary
http://www.youtube.com/watch?v=M4v_PLp6nPk

"Bawat sandali na ikaw ay kasama para bang hindi na tayo muling magkikita."

OO! yun lagi ang iniisip ko at lagi naman niyang sinasabi, "Ano ka ba! Magkikita pa tayo."

Such a relief. HAHAHA. Yun lang ang naalala ko sa kantang toh.

18. First Believe - HOKU/Zelle
http://www.youtube.com/watch?v=ogpbAQ6Bj-c - Cover ko toh.
http://www.youtube.com/watch?v=T1V36Rk31Tk - Original

Ito ang last ko kasi ito talaga yung kanta pinaka naaalala ko siya. Dito kasi nagsimula lahat. Dito ko siya aksidenteng naitag. Dahil dito nagkausap kami sa FB. Dahil dito naging close kami. dahil dito naging ganito kami. :) Maraming memories ang pinapaalala sakin ng kantang toh. At lahat ng masasayang memories lang ang naaalala ko kapag naririnig ko tong kanta ko. Siya lang kasi yung una eh. First guy who asked me out. First guy who treat me this way. First guy na nakatext ko ng napakatagal na panahon. First guy na nakaclose ko ng ganito. First guy na lagi kong nakakausap sa phone. First guy....first guy...

Hay. Andaming kanta nuh? Mahilig kasi kami pareho sa music. And yun siguro yung naging common namin. Mahilig kami pareho sa soft music, solemn, acoustic, yung mga music na magaganda yung lyrics hindi yung basta may masabi nalang. At dahil sa kanya, I appreciated music more.

Ang haba na pala masiyado. sige! It's 1:11 AM na eh. At hindi padin ako inaantok. HAHA. Nagkape kasi ako. Adeek lang. So. That's all! Another revelation na naman sa aking lovelife na sinasarili ko lang. HAHAHA. Dahil ako lang ata ang nagmamahal. LOL. #EMO

thanks for patiently reading! God bless you! <3

Happy Mother's Day!

 Let me introduce the one who waited 9 months just to see me. The one who have sacrificed many things for me. My mother, MARIETA RANA! :)

Hindi man siya perpektong ina, proud na proud padin ako na siya ang mama ko. Nanggaling siya sa isang mahirap na pamilya. Bilang kapatid, marami na siyang nasakripisyo. Ganun din bilang ina. Siguro nga lahat ay naibigay na niya. Nabuhay din kaming isang mahirap na pamilya. Minsan nawawalan ng pagkain sa hapag. Minsan na ding walang laman ang wallet ng mama ko. Minsan na din akong pumasok na hindi sapat ang baon ko. Minsan na din akong tumigil ng pagaaral dahil walang nang pampaaral ang mga magulang ko. Hindi kami lumaki na nakukuha lahat ng aming kagustuhan. At isa yun sa ipinagpapasalamat ko sa mama ko, 
Dahil hindi niya kami pinalaking sunod sa luho. 

Maraming bagay ang hindi ko kayang sabihin sa mama ko tulad ng personal kong problema, katulad ng sa pag-ibig, sa mga kaibigan, sa sarili. Madalas lang akong tahimik sa bahay namin at nagiisa sa kwarto. Hindi ako ganoong masunurin sa mama ko, aminado ako. Minsan, hindi din ako masaya sa bahay kaya mas ginugusto ko pang umalis, pero hindi maglayas. 

Ang mama ko naman, minsan ay mahigpit. May mga pagkakataon na hindi ko na talaga siya maintindihan. Pero iniintindi ko siya sa abot ng aking makakaya. O baka naman ako lang ang hindi maintindihan ng mama ko. Maraming pagkakataon na ang nagdaan na nagtalo kami, nagkasagutan, nagiyakan. Pero ang laging tapos nito ay tawanan. Minsan ko nadin nasabi sa mama ko na, "Si ate lang ang favorite mo!" At dahil tumatanda din naman ako, nasabi ko nadin sa mama ko, "Gusto ko nang maging independent, nasasakal na ako." Ang sama ko di ba? Siguro lahat ng kabataan ay napagdaan ang napagdaan ko. Ang hirap di ba? Pero, ang dami kong natutunan. Dahil sa mama ko, natuto akong maging patient. dahil kadalasan pag sinabi kong , "Ma, bili mo naman ako ng sapatos." Lagi niyang sasabihin, Pag nagkapera tayo." At dahil alam kong noon ay matagal-tagal pa bago kami magkapera, pinanghahawakan ko ang pangako nyia hanggang matupad niya yun. At natutupad naman yun! Natuto din akong maging matiyaga. Tinuro din kasi sa akin ng mama ko hindi lahat ng bagay na gusto ko ay makukuha ko nalang ng basta-basta, kailangan mong paghirapan toh! Siya din ang nagturo sakin na maggitara! :) Siya rin ang nagturo sa akin maging masiyahin sa kabila ng mga problema, at higit sa lahat, siya ang nagturo sa akin kung sino si HESUS. Siya ang matiyagang sineshare sa akin ang mga bible stories tuwing gabi. Ang walang sawang nagpapangaral sa akin na kasama ang salita ng Panginoon. Ang mama ko na nagdala sa akin sa LORD. <3 She has won a soul and that's me! 

Mama, 

Salamat. Salamat sa lahat ng pagmamahal mo sa akin. Sa lahat ng pagaaruga. Sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Hindi ko man pinapakita sayo kung gaano ako nagpapasalamat, sobrang salamat lang talaga! :)

Sorry. Sorry po kasi pasaway ako. Hindi ako masipag masiyado. Pero mama, sorry talaga. pakiramdam ko ako na ang pinakamasamang anak, feeling ko lang. Lagi nalang ako ang dahilan ng pagkagalit mo. Lagi ko nalang pinapasama ang loob mo. SORRY po talaga. Ginagawa ko naman po ang lahat para magbago. SORRY.

I LOVE YOU. Kasi ikaw ang mama ko. Ikaw ay ikaw. Ikaw ang nagluwal sa akin. Ikaw ang nagaalaga sa akin. At siguro, kung ibang ina ang maging nanay ko, napalayas na ako. I LOVE YOU TALAGA! Alam kong hindi ko naman sa'yo directly laging sinasabi toh sa'yo, pero gusto ko lang ipakita sa'yo sa MAHAL NA MAHAL KITA. bigyan mo lang ako ng pagkakataon. Hindi sapat ang blogpost na ito para maipakita sa'yo na mahal na mahal kita. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong yakapin ka kapag nalulungkot ka. Kung gaano ko kagustong umiyak sa hapap mo sa mga oras na nasasaktan ako. Kung gaano ko kagustong ikwento sa'yo at ishare sa'yo ang kaligayahan na nararamdaman ko. Kung gaano ko kagusto maramdaman ang  YAKAP MO.

Mababasa mo kaya toh mama? Hindi ko kasi alam iexpress ang love ko para sayo. MAMA! sumisigaw na ang puso ko, gusto ko marinig mo lang. :)

THANKYOU MAMA! :) SOBRANG MAHAL LANG KITA.

"If God asked me what is the most important thing to me, that would be you."

Thankful ako sa LORD kasi ikaw ang mama ko. WAGAS LANG EE. :)
muamua! <3

HAPPY MOTHER'S DAY!

Night of April TwentyNine

LaLaguna! The Festival of Life! To give you some info about this festival, it is the festival here in my province. Before, it is called, "Anilag" or Ani ng Laguna. Since we had a new Governor, he changed the Festival name. And I think, it gets better. Then Festival itself.

OKAY! 1 minute lang ako pwedeng mag english! LOL

Bakit ko nga ba naipost ang about sa LaLaguna? Siguro may nangyari sa araw na ito ano? HAHA Oo meron.

Kung mababasa mo ang post ko last April 20, 2012, mejo malungkot. kasi hindi natuloy yung planadong gagawin ko dapat that day.

April 28, 2012. Yat'z and I we're talking about meeting each other ulit. Since halos 1 month na kami hindi nagkikita. So ayun nga. 2 weeks din pati siya hindi magloload. Kaya ayun. hehe. Talagang mamimiss ko siya? HAHA. Sakto naman, Lasta day na ng LaLaguna Festival ng April 29 so nagplano kaming magkita on that night. Kahit Hi-Hello lang. Ganun.

April 29, SUNDAY! Nasa church ako, bago magstart ang service namin, tumawag ako sa kanya! Buti nakapag unli call ako. So I asked him, "Ano? Pupunta ka? Kasi ako sure na ako." sabi niya, "Hindi ako sure." UTANG NA LOOB! HAHAHA pero alam kong niloloko niya lang ako.

Hapon na. 5PM, umalis na agad kami ni Kim at ate reg. So, ayun, nagpunta na kami sa LaLaguna Festival. Nagbuy ng Buko shake, nag pasyal-pasyal. Nagpagawa ng Personalized bracelet. At kung ano-ano pa. Hanggang nagpunta na kami sa Mcdo para i meet si Kuya Brian at Kuya John. Kwentuhan, chikahan, chokaran. Tapos tumawag na si Yatz,

"Hello."  Sabi niya
"San ka na?", "Sabi ko

and it's around 7 pm na
"Dito padin samin. Wala akong masakyan. Punoan."
ASDFGHJKL. bakit? magkikita kaya kami?
"Aww. Sige. Ingat ka huh? Hindi pa ako napunta dun sa LaLaguna. Nagkekwentuhan pa kami dito."
"Punta ka na."
"Di pa. Iintayin kita."
"Wag mo na ako intayin. Baka mamaya pa ako makarating."
"Okay lang. Baka sakto, salubungan nalang tayo sa may gate mamaya."
"Sigesige. Magiintay pa kami ng jeep."
"Sige. Ingat. Bye"

Tapos ayun kwentuhan mode na naman with my friends.  Tapos tinawagan ko siya
"Uy. San ka na? Dito pa ako sa Mcdo"
"Wala kaming masakya. Punta ka na dun. Nadami na tao dun. Naglalakad nalang kami"
"Naglalakad? Papunta dito?"
"Hindi, papuntang areza lang."
"Ah. okay. Sige. tawag ka nalang mamaya pag nasa may capitol ka na."
"Sige."
"Ingat haneh?"
"Opo."

Tapos. Ayun. We're done. Nagpunta nadin kami ng LaLaguna. Pumasok kami dun sa gate malapit sa may Capitol. I texted him, "Dito kami sa may tapat ng capitol hah?"

Tumawag pa, "Dito ako sa may ministop. San ka?"
"dito nga  sa may capitol."
"San jan?"
"Sa may fountain."
"Sige. Punta na ako jan."

Actually, I was expecting na mag hi-hello lang talaga kami sa isa't isa. then lumapit na sya samin, nakita ko wala siyang kasama. ASDFGHJKL. So that means, sasamhan niya ako talaga. O_O
So, there we go! Nag lakad-lakad na kami. Actually. Wala na akong naisip na matino nun. ang saya ko lang kasi kasama ko siya ngayon. It is like a dream. LOL. Tapos naka sumbrelo siya nun. mga 1hr ago pa nung mapansin kong YATZ yung nakasulat sa cap niya. HAHA. Nakakatuwa pa, nameet niya yung mahahalagang tao sa buhay ko. Mga churchmates ko. Buti nga hindi siya nahihiya eh. Nakikitawa siya sa kanila. Ang saya lang. I can't really express my feelings. Tapos ang dami namin napag kwentuhan. Hindi ko na nga matandaan yung mga pinagsasasabi ko sa knya. Siiguro, this is one of the best night I ever had. Hindi ko akalaing sasamahan niiya ako. Antagal lang namin magkasama. Hindi ko namalayan 11:00 napala. :( para lang akong si Cinderella na naghahabol sa oras dahil pag 12 na, kelangan ko na umalis. WAAAAAA! ayoko pa! So ayun. Akala ko iiwanan na niya ako nung sabihin kong uuwi na kami pero hindi, sinamahan niya ako palabas. tapos hanggang sa labas, nagkekwentuhan kami. Nagkukulitan. at nageechusan. HAHA. Grabe lang hindi ganito yung ineexpect kong pagkikita. Habang naglalakad kami...

"Hindi mo na mapapanood yung fireworks."
"Oo nga eh. pero okay lang, nakasama naman kita."
tapos tumawa nalang siya. Dumaan kami dun sa madalas naming daanan kapag napasyal kami sa capiitol
"Dito yun oh?" sabi ko..
"Oo nga. Dito din yun.."
tapos isa pa..
"Yatz. Dun yon oh?"
"Oo nga. sasabihin ko na sana sayo, naunahan mo ko."
"Ang sarap lang alalahanin nuh?"

Tapos ayun, pauwi na kami.. :( Hinatid niya pa ako hanggang paglabas ng capitol. Hanggang sa may waiting Shed, sabi ko,
"Dito nalang. Jan na kami sasakay sa may Landbank. Thank you huh? Bye!"
Tapos umapir siya sa akin. Kinapitan yung kamay ko bahagya.
sabi niya, "Bye. Thank you din. Ingat ka haneh?"
"OPO."

AT AKO! hindi makaget over sa mga nangyari. Parang nasa cloud9 padin ako. Hindi ko madefine ang nararamdaman ko. MASAYA!!!!!!!!!!!!!!!!
Tapos, habang naglalakad kami pauwi ng bahay, tumawag siya
"Nakauwi ka na?"
"Di pa.. naglalakad pa lang ako papuntang bayan."
"Ah. Sige. Buti naman. txt mo ako pag nasa bahay ka na."
"Sigesige. Ingat ka jan. May kasama ka na?"
"Oo. yung mga pinsan ko. Sayang umuwi ka kaagad."
"Oo nga eh. huhuhu."
"Sigesige. Ang ingay na dito. txt mo nalang ako. God Bless!"
"Sige. God Bless!"

Saktong 12:51, nakarating at nabuksan ang bahay. Tinawagan ko  siya,
"andito na ako sa amin."
"Ah. Sigesige. Ang ingay dito hindi kita marinig masiyado. sensya na."
"Sige. Okay lang. Sinasabi ko lang na nakauwi na ako. "
"Sige. buti naman. Tulog ka na."
"Opo. sige. Ingat ka jan. Text ka din pag nakauwi ka na. God Bless!"
"God Bless!"

at yun ang nangyari that night.
DEFINE MASAYA?
please. HAHA
God Bless!

Welcome

Welcome! Ako si Zelle! 19, child of God. <3 in love. :)

Powered by Blogger.

About

25.5.12

15.5.12

12.5.12

1.5.12

Followers

Labels